The tragedy in life
is living it
like
a never-ending
Monday.
Every breath
seems accounted for
and charged to
a weekend
you’d be too tired
to give a damn
It’s suicide,
really, and the thought
that you finally figured it out
is liberatingly claustrophobic
and you have neither gun nor brain
to blow it all off
So the weekday starter
sucks the air and matter
out of your postcard-picture
fantasy
leaving you with plasma,
or frankly speaking,
ooze in an aquarium of
worms having a sun tan
You feel spent
It’s preordained
and
while the dry humor
of compulsory
companions
drags you to a grin,
you throw up
in your head
but no one will know
nor care
Not on a Monday.
Monday, September 14, 2009
Dalawang Tulang Lasing
UNA: Sa matagal at nawawala kong pag-ibig
Kung naririnig mo ako,
magparamdam ka,
utang na loob, labas at utang pandaigidig naman!
Iniisip na kasi ng marami
na inimbento lang kita,
kahit totoo,
malay naman nila di ba?
Kaya kung sakaling andiyan ka,
sa labas ng isip ko,
wag ka lang multo,
o isang jologs na naka-rugby sa may Cubao,
tawag ka naman.
Sana maganda boses mo.
PANGALAWA: Para kay Ariam
Nakainom na naman tayo.
May pag-ibig ka na bang pinaglulunuran ng alak?
O sinasabayan mo lang ako?
Naaawa ako sa iyo minsan,
kapag hindi ako galit,
madalang pero sa minsang yon talaga,
gusto kong umiyak at yakapin ka.
Kung maiibsan ko lang ang hapis mo
sa iyong pusong aalog-alog sa hangin,
ginawa ko na.
Kung masisikil ko lang ang
hininga mo, Ariam,
tinapos na kita.
Pero di ko talaga kaya.
Galit ako sa iyo, eh.
Kasi may puso ka,
ako wala.

Manapay
Makalikha ng buhay
sa mga panaginip
na hinigaan mong magdamag
Makasaksi ng mundo
na mas makulay pa
sa telebisyon ng sala mo
Di ba't ito ang mga pangarap mong
isinulat sa iyong utak
iniukit sa iyong dibdib saka
ipinusta kay balang araw?
Sawa na ako sa bunganga mo.
Parang habag mo na,
Lumipad ka
di lang sa hangin
kundi dahil marunong kang kumampay
Tumakbo ka
di lang sa takot
pero sa nais mong makaalis
Wag ka ng magpaalam
Manapay lumarga ka na
At, tang loob,
Wag mo ng lingunin ang sopa ko.
sa mga panaginip
na hinigaan mong magdamag
Makasaksi ng mundo
na mas makulay pa
sa telebisyon ng sala mo
Di ba't ito ang mga pangarap mong
isinulat sa iyong utak
iniukit sa iyong dibdib saka
ipinusta kay balang araw?
Sawa na ako sa bunganga mo.
Parang habag mo na,
Lumipad ka
di lang sa hangin
kundi dahil marunong kang kumampay
Tumakbo ka
di lang sa takot
pero sa nais mong makaalis
Wag ka ng magpaalam
Manapay lumarga ka na
At, tang loob,
Wag mo ng lingunin ang sopa ko.
Sumusulat Ako Para Sa Aking Henerasyon
Para sa mga naabutan ang TV Patrol noong magkakasama pa sila Noli De Castro, Frankie Evangelista at Mel Tiangco. Noong sikat pa si Ernie Baron at ang kanyang knowledge power. Para sa mga nakaramdam ng pagtataksil ng tanggalin ang PBA updates sa balitang pampalakasan.
Iba pa ang mga balita dati, walang agenda. Purefoods ka man o Ginebra, walang personalan, ang importante ay malalaman mo ang final score at kung sino ang most valuable player. Ngayon, ni next game sa PBA di man lang mabanggit.
Para sa mga nawalan na ng gana sa balitang pangtelebisyon pero di lang matukoy kung anong insidente ang nagtulak sa kanilang tumiwalag. Yun bang pag-imbento (sandali) ng MBA kasi trip ng Channel 2 na agawin ang PBA sa IBC? Dahil ba sa Tide at pagka-tsugi ni Mel Tiangco? O dahil sa pag-iyak ni Kabayang Noli minsang nagbalita siya tungkol sa eclipse? Alin man sa tatlo – o lahat – o maaring noon ka pa walang tiwala pero dahil doon nakumpirma mong kalokohan na ang lahat.
Ang balita sa telebisyon, makulay. Puno na ito ng komento, pananaw, saloobin, reaksyon at interes na dinikdik, nilagyan ng tubig at harina, saka inihalo sa impormasyon. Nagkabuhay na ito, naging isang di maipaliwanag na nilalang na nakakagapang sa isip ng tao. Parang halimaw.
Para sa mga sabik sa responsableng pamamahayag. Para sa nag-aasam ng balitang walang labis, walang kulang, walang pandidilat ng mata, walang pagpapaliwanag, pag-iling, pagsinghal, paghikbi at pag-“tsk-tsk”. Para sa mga naghahanap ng pagkakataong makahusga ng sarili nila.
At napakasarap pa namang manghusga. Magkaroon ng sariling opinyon, makipag-debate hanggang lumabas ang litid sa leeg mo, at umuwing pagod pero kuntento kahit dehins ka panalo o talo. Napakasarap malaman kung sino ka. Walang tutumbas sa pagkakaroon ng respeto at kompyansa sa kakayanan mong mag-isip. Napakasarap magkaroon ng paniniwala.
Para sa mga pinanganak pagkatapos ideklara ang Martial Law. Para sa mga lumaking walang personal na galit o pagmamahal kay Marcos at Ninoy. Para sa mga nagkamuwang sa katayuan ng bayan sa panahong ang Gobyerno ay may sayad na. Para sa mga taong napapanisan na sa People Power.
Lumaki tayong iniisip ang pagkain at pang-matrikula, hindi ang sistema ng pamamahala ng ating bansa. Abala tayo sa paghahanap ng pagkakakitaan kaysa sa pagbabago. Kung pipilitin, mas maiintindihan natin ang poverty rate, peace and order and unemployment, kaysa sa Inflation, GDP at Constitutional Reforms – yan ay dahil mahirap tayo, marami tayong kapitbahay na tomador o magnanakaw, at halos lahat sa atin gustong mag-OFW. Masakit mang sabihin, pero hirap tayong ibigin ang Pinas.
Kasi napakahirap naman talaga niyang mahalin. Mausok siya, maingay, maraming away, makakalimutin, masikip, madamot, malupit at maraming problema. Hindi pa niya ipinakita ang ganda niya sa atin at tila ba pagkakaitan na niya tayo habangbuhay.
Para sa hindi pa naramdamang magkaroon ng Bayang mamahalin at pagbabagong papaniwalaan. Nasa ilalim ka ng tatsulok ni Bamboo at para bang nagyelo na ang inspirasyon sa iyo. Gusto ko lang sabihin na, hindi ka nag-iisa. Andito rin ako – nagtatanong kung pano isasaing ng mga magsasaka ang "stocks" nila sa Hacienda Luisita? Kung bakit senador sina Lito Lapid at Trillanes? Kung bakit ang pinakasikat na trabaho sa pinas ay traffic enforcer? At kung bakit 99.9% tatakbo si Erap bilang pangulo sa 2010? Andito lang din ako. Sa kabila ng lahat, nangangarap at nananabik din. Isang araw, di malayo ngayon, matatagpuan ko din ang puso kong umiibig sa bayan ko, nakikipaglaban ng luha at kamao sa dibdib, para sa akin at para sa aking henerasyon.

Labels:
Bias and Prejudice in News,
Commentary,
Patriotism,
Politics
Subscribe to:
Posts (Atom)